Mga barangay official, pasok sa GSIS


TAPAT, maasikaso at masayahin, ito ang ilan sa mga katangiang dapat nating taglayin bilang opisyal o empleyado ng gobyerno.
Walang lugar ang mga tamad, masungit at higit sa lahat, kurakot!
Bilang mga frontliner sa paghahatid ng basic government services sa taumbayan, kailangan nating maging solusyon at hindi konsumisyon.
Gayunman, hindi biro ang humarap sa iba’t ibang tao o grupo na may magkakaibang idinudulog.
Madalas, nasusubok ang haba ng pasensiya bilang public servant at bilang tao na napapagod at nagkakamali rin.
Pero, kung may matatanggap sanang dagdag na benepisyo mula sa mismong gobyerno, sa palagay natin ay kaya pa nilang maging mas produktibong kawani.
Tulad ng isinusulong na mapasama sa coverage ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga opisyal ng barangay mula sa tserman, kagawad, secretaries at treasurers.
Kung ramdam nila na sila mismo ay pinahahalagahan at tinutulungan, walang dahilan para hindi rin nila maihatid ang parehong pagmamalasakit sa mamamayan.





Comments