top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MAPIPIGILAN BA NG SKIPPERS ANG TIKAS NI BLACK SA ONLINE?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2019
  • 1 min read

ISA na namang natatanging performance ang inaasahang muli mula kay Aaron Black sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa pagharap ngayong hapon ng kanyang koponang AMA Online Education kontra Marinerong Pilipino sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang dalawa nilang laro sa developmental league, umiskor ng magkasunod na triple double ang anak ni PBA great at kasalukuyang Meralco coach Norman Black. Nagposte si Black ng average na 25.5 puntos, 15.5 rebounds, at 12.5 assists sa nasabing dalawang laro na kinabibilangan ng 26-puntos, 16-rebounds at 14-assists na performance sa 110-92 panalo ng Titans kontra iWalk na nag-angat sa kanila sa patas na markang 1-1, panalo-talo. Dahil dito, inaasahang paghahandaang mabuti ng Skippers na mapigil si Black sa pagharap nila sa Titans sa tampok na laro ngayong 5:30 p.m.

Mauuna rito, magtutunggali sa pambungad na laro ang Italiano’s Homme at Technological Institute of the Philippines ng 1:30 p.m. na susundan ng salpukan ng Centro Escolar University at ng Nailtalk ng 3:30 p.m. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page