top of page
Pokwang.jpg

Hamon ng DILG sa mga landowner | Mga bakanteng lote, gawing paradahan ng sasakyan!

Ryan B. Sison
Aug 8, 2019
1 min read

DAHIL sa matinding trapik na ating nara­ranasan sa kasalukuyan, isinusulong ang “no parking, no new car” nang sa gayun ay maiwa­san na ang iligal na pagpa-park ng mga sa­sakyan sa mga lansangan na nagpapasikip sa daanan ng mga mamamayan.

Gayunman, bukod sa nasabing solusyon ay hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde na gamitin ang mga bakanteng lote bilang paradahan upang makatulong sa pag­papagaan ng nasabing problema.

Samantala, dapat makipag-ugnayan ang mga alkalde sa mga may-ari ng pribadong lote para malaman kung suportado nila ang nais ng ahensiya.

Pero, hindi umano kailangang mangamba ng mga may-ari dahil ito ay ‘win-win solution’ kung saan kikita na ang lot owners, maka­tutulong pa sa local government dahil ma­papaluwag ang mga kalsada, lalo na kung matagal na itong nakatengga.

Sa totoo lang, maganda ang solusyong ito kung ang lahat ay makikipagtulungan.

Pero siyempre, hindi natin puwedeng dik­ta­han ang mga may-ari kung mayroon na silang kani-kanyang plano para sa kanilang lupang pagmamay-ari, kaya habang wala pang kongkretong de­sisyon, mas mainam na tayong mga mama­mayan ang mag-adjust para sa ikaluluwag ng kalsada.

Dagdag pa rito, kung bukas naman ang isi­pan ng mga landowners ay ipananawagan nating tumulong sila sa gobyerno sa pama­magitan ng pakikipag-ugnayan sa LGUs para masolusyunan ang problema sa trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong ban­sa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page