Basketball team ng mga Tsekwa, "manok" ni P-Duterte!

P-DUTERTE, MAS BILIB SA MGA BASKETBOLISTANG CHINESE KAYSA MGA BASKETBOLISTANG PINOY — Sa harap ng kanyang mga bisitang Filipino-Chinese businessman sa Malacañang ay sinabi ni P-Duterte na sa China basketball team na lang daw “pumusta” ang mga ito at huwag sa Gilas Pilipinas dahil wala raw itong panalo sa Italy basketball team.
Pambihira, imbes na magpakita ng morale support ay inismol pa ng presidente ng Pilipinas ang mga basketbolistang Pinoy, tsk!
◘◘◘
SABLAY ANG AFFIDAVIT NI ‘BIKOY’ VS. VP LENI AT ex-Sen. TRILLANES — Sablay ang isinasaad ng affidavit ni Peter Advincula alyas “Bikoy” na kanyang isinumite sa Department of Justice (DOJ) na kesyo kinasabwat daw siya nina VP Leni Robredo at ex-Sen. Antonio Trillanes IV para pabagsakin ang gobyernong Duterte.
Sa affidavit ni “Bikoy” ay nakasaad na kasama raw sa meeting noong March 4, 2019 sa pagpapabagsak sa Duterte gov’t. si VP Leni, pero sa kanyang press conference sa Camp Crame ay sinabi nito na hindi raw kasama sa pulong ang bise-presidente at nakita lang daw niya ito sa Ateneo de Manila.
Sa affidavit pa rin ni “Bikoy,” nakasaad na nagpulong din daw sila ni ex-Sen. Trillanes noong Feb. 9, 2019 sa bahay ni Bishop Pablo Virgilio David sa Caloocan City, pero sa petsa palang ito (Feb. 9, 2019), ayon sa record ng Bureau of Immigration ay nasa Amerika pala ang senador, boom!
◘◘◘
PAO CHIEF ATTY. ACOSTA, BAKA MAG-PANIC SA HIRIT NI REP. GARIN NA IBALIK ANG DENGVAXIA — Dahil sa dengue outbreak sa bansa ay nanawagan sa Department of Health (DOH) si Iloilo Rep. Janette Garin na gamitin ulit bilang bakuna ang Dengvaxia.
Dahil diyan, baka mag-panic na naman si anti-Dengvaxia advocate Atty. Persida Rueda-Acosta ng Public Attorney’s Office (PAO), boom!
◘◘◘
STL STOP NA, PERO JUETENG HINDI PA — May mga nagpapa-jueteng na raw sa Pangasinan at Abra.
Hay naku, naipatigil nga ang STL (small-town lottery), pero ang pumalit naman ay jueteng, mga buwisit!





Comments