top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

3 adik tiklo sa pot session

  • Pabs Hernandez III
  • Aug 8, 2019
  • 1 min read

NUEVA ECIJA — Tatlong drug addict ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session kamakalawa sa isang bahay sa Bgy. Calaocan, San Jose City sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Sandra Kadil, Jeffrey Kadil at Ronald Agustin, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.

Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagsasagawa ng pot session sa bahay ni Sandra ang mga suspek kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang tatlong drug addict.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page