2 estudyante inabuso, sekyu kulong
- Maeng Santos
- Aug 8, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang isang security guard matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa dalawang estudyanteng babae na naglalakad pauwi sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Arnel Geraldino alyas Totoy, 32, residente ng Bgy. Taliptip, Kataasan, Bulacan, Bulacan.
Alas-8:00 ng gabi, sakay ng kanyang bisikleta si Geraldino habang tinatahak ang Deato Road sa Bgy. Balangkas nang makita nito ang biktimang itinago sa pangalang ‘Jovita’ na kalalabas lamang ng Nuestra Señora De Quia Academy.
Bigla umanong dinakma ni Geraldino ang dibdib ng estudyante bago tumakas.
Sa nasabing subdibisyon, namataan ni Geraldino ang isa pang estudyanteng dalagita na itinago sa alyas Vicky.
Muling pinagtripan ng suspek na dakmain ang dibdib ng biktima na sa takot ay nagsisigaw na humingi ng tulong na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay na humabol kay Geraldino.
Nang madakip, dinala ang suspek sa barangay kung saan siya nakita ng una nitong biniktima na humingi rin ng tulong sa mga awtoridad.





Comments