top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Siya ngayon ang nasa Cloud 9… MAYOR NA INISMOL AT INAYAWAN NOON NG PAMILYA NG AKTRES DAHIL ARTISTA L

  • Nitz Miralles
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

VERY much in the news ngayon ang isang Metro Manila mayor dahil sa mga ginagawa niyang pagbabago sa siyudad na kanyang pinamumunuan. Masipag si Mayor kaya ngayon pa lang, may mga nagsasabing puwede siyang tumakbo sa higher position sa gobyerno.

Sa tamang panahon at tamang edad, puwede raw mag-president ang mayor dahil may political power at sinusunod ng mamamayan ang bawat iutos niya.

Tanong ng mga taga-showbiz, ano kaya ang reaction ng aktres na niligawan ni Mayor at ano rin kaya ang masasabi ng pamilya nito na kontra sa panliligaw ni Mayor sa kanilang anak dahil “artista” lang ito noon.

Natatandaan ng tao na umiyak si Mayor nang ma-interview sa isang TV show at ikuwento na ina­yawan siya ng pamilya ng aktres dahil wala pa siyang maipag­mamalaki. Ano kaya ang isasagot ng parents ng aktres ‘pag tinanong sila ngayon tungkol kay Mayor at sa panliligaw nito noon sa ka­nilang anak?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page