top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

RHAEGAL, PUWEDE

Ding Taboy
Aug 7, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

BALIKATAN ang magiging laban ng mga kalahok sa pag-alagwa ng “Aditional One Win in Group Races” na magaganap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong gabi.

Kasabay nito, may Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa walong karera ng 6:30 p.m. Apat ang maglalaban sa Condition Race, dalawang Group Races, isang Group Race Merged at 3-Year-Old & Above Maiden Race. Sa Race 1 ang WTA sa Condition Race (19) ay mahigpit na paglalabanan ng Super Inday at Bond’s Mission.

Kasabay nito, magaganap ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 2 ang CR-15 na paglalabanan ng anim na kalahok, pinapaboran ang The Catalyst at makakalaban ng Iikot Lang, Highway Hills at Jebel Ali. May Pick 6 sa Race 3 at ipinapatok ang Irene’s Dream at ang Ashley’s Gift ang tatalo.

Sa Race 4, may Pick 5 event at nakalalamang ang couple entry na Prince Popeye at Charger na makakalaban ang couple entry na My Fave at Air Class at huwag mawawalan ng Break and Shine na bagong baba ng grupo.

Magkakaharap ang couple entry na Messi, Gomper Girl at couple entry na Go On Eugene at Beach Surfer, isama sa paratingan ng Pentafecta, Quartet at Trifecta ang Hamlet, GoldSmith at Boni Avenue sa Race 5 ng Pick 4.

Labanan sa Group Race (11) sa pagitan ng Flash Dance at Play It Safe at isama ang Exceptional Gee sa Race 6.

Sa Race 7, nakalalamang ang King Gil sa mga kalaban na El Mundo, Corazon at Eyeshot. Panolo ang Rhaegal sa Race 8.

Tip ni Mang Ding: Race 1- Super Inday (1) Bond’s Mission (9) Race 2- The Catalyst (3) Highway Hills (6) Race 3- Irene’s Dream (8) Ashley’s Gift (9) Race 4- Entry No.3 Entry No.9 Race 5- Entry No.3 Entry No.8 GoldSmith (7) Race 6- Flash Dance (1) Play It Safe (4) Race 7- King Gil (6) El Mundo (4) Race 8- Rhaegal (10) WTA (1-7) 1-9/3-2/8/3-9/3/1-4-3/6-4/ Pick 6 (3-8) 8/3-9/3/1-4-3/6-4/10/ Pick 5 (4-8) 3-9/3/1-4-3/6-4/10/ Pick 4 (5-8) 3/1-4-3/6-4/10

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page