Para tuluyang malinis ang ahensiya | 100 opisyales ng BOC, sisibakin pa ni P-Duterte!
- Ryan B. Sison
- Aug 7, 2019
- 1 min read

SA mga nagdaang problema ng bansa, marami ang naging isyu sa mga paliparan dahil marami ang mga nakapupuslit na iligal na kasangkapan, iligal na droga at iba pa kung saan responsibilidad ito ng Bureau of Customs (BOC). Kaya naman para masolusyunan ito dahil paulit-ulit na lang ang nangyayari ay tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 64 BOC personnel.
Gayunman, sabi niya, mas magiging maayos at malinis ang ahensiya kung magtatanggal pa siya ng 100 personnel.
Sa totoo lang, kahit nakakaawa ang ilan na nawalan ng trabaho, hindi rin natin masisisi ang pangulo.
Siyempre, kung ano ang sa tingin niyang makapagpapaganda sa serbisyo ng nasabing ahensiya, ‘yun ang gagawin niya, lalo na at ilang taon din silang nabigyan ng pagkakataon para ipakita ang kanilang kakayahan, pero binigo pa rin nila ang gobyerno at mamamayan.
Sa ngayon, may mga bagong talagang opisyal na at hiling natin, sana, maging maayos na ang serbisyo ng ahensiya para sa bayan.
‘Ika nga, pagkakaisa ang kailangan para tuluyang malabanan ang korupsiyon, gayundin, wakasan na ang mga sagabal para sa maayos na pamamahala sa bansa.
Doon tayo sa mga opisyal na tapat at mapagkakatiwalaan at hindi ‘yung ginagamit ang puwesto sa katiwalian!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments