Mayor Sara, areglado na sa 2022

IPOPORMA ng U.S. ang military fleet sa West Philippine Sea (WPS).
Matira ang matibay!
◘◘◘
TUTULAK na naman patungong China si P-Digong.
Hala bira!
◘◘◘
AREGLADO na si Mayor Sara sa 2022.
Huh, may eleksiyon pala?
◘◘◘
EXCITED ang mga neophyte senators.
Hayaan lang natin!
◘◘◘
NAGKASIRA na sina Sen. Richard Gordon at P-Digong.
Sayang lang ang “pagsisipsip” niya sa mga nagdaang taon!
◘◘◘
GUSTONG sumali sa debate ni Sen. Leila.
Kung makatatakas siya!
◘◘◘
UMANGAT na ang tubig sa Angat Dam.
Puwede na tayong maligo!
◘◘◘
HINDI pa rin tapos ang patayan sa Negros Oriental.
Take note: Hindi ‘yan tungkol sa illegal drugs!
◘◘◘
PINALITAN na si Manny Piñol sa Department of Agriculture.
Dapat noon pa!
◘◘◘
HINDI pa rin ibinubunyag ni P-Digong ang mga tiwaling opisyal sa Bureau of Customs.
He-he-he!
◘◘◘
TULOY pa rin ang ismagling sa Adwana.
Bigo si P-Digong sa pagtatalaga ng military sa Customs.
Nilamon na rin sila ng sistema!





Comments