top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mayor isko, ipinamukha kay PDU30 na ‘di pinapatay ang mga adik at tulak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 2 min read

PANGARAP NI CARDEMA NA MATAWAG NA “CONGRESSMAN”, NAGLAHO NA—Naglaho na ang pangarap ni ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na matawag na “congressman” kasi ibinasura na ng Comelec ang kanyang nominasyon bilang representative ng “Duterte Youth Partylist” sa dahilang hindi na raw siya pasok sa age requirement bilang “youth” dahil 34 years old na siya.

O, ano pa ang hinihintay mo, Mr. Cardema? Iyak na!

◘◘◘

PRIORITY BILLS NI P-DUTERTE, DEATH PENALTY AT DAGDAG-TAX, PERO ANG ANTI-ENDO BILL, TABLADO NA—Ibinulgar ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na nasa Senado na raw ang 22 priority bills ni P-Duterte na kinabibilangan ng death penalty at tax reform packages, pero ang “Security of Tenure” o Anti-Endo Bill na kamakailan lang ay nai-veto o ibinasura ng pangulo ay hindi kasama sa mga prayoridad.

Ibig sabihin, tuluyan na nitong tinalikuran ang promise niya sa mga manggagawa na wawakasan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Hay, naku, imbes na job protection sa manggagawa ang gawing prayoridad, eh, ang mga batas na gusto ni P-Duterte ay pumatay ng tao (death penalty) at pahirapan ang mamamayan (dagdag-tax), tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SA MAYNILA, HINDI NA USO ANG “NANLA­BAN KAYA NAMATAY” NG ADMINISTRASYONG DUTERTE—Matapos sabihan ni Mayor Isko Moreno ang mga pulis na pairalin ang rule of law, irespeto ang karapatang-pantao ng mga drug suspects at hayaan ang korte na humatol sa mga ito ay mahigit 30 adik at tulak ng shabu ang buhay na naaresto ng mga awtoridad sa Baseco Compound, Tondo, Manila.

At dahil d’yan, ang naging sentro ng press conference ni Mayor Isko, sa Maynila raw, buhay na hinuhuli ang mga sangkot sa iligal na droga na parang ipinamukha niya kay P-Duterte na sa kanyang jurisdiction (Maynila) ay hindi uso ang mga “namatay dahil nanlaban daw”, boom!

◘◘◘

KAILAN KAYA IPATOTOKHANG AT IHAHARAP SA PRESSCON NI MAYOR ISKO ANG MAG-PARTNER NA ILIGALISTA SA MAYNILA?—Hindi pa rin daw naglulubay sa kanilang raket na bookies ang mag-partner na “Boy Abang” at “Lorna” sa Maynila.

Kailan kaya ipatotokhang at ihaharap sa presscon ni Mayor Isko ang mag-partner na iligalistang ito? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page