Kulong at multa sa gumawa at nagpagawa ng pekeng medical certificate

Dear Chief Acosta,
Nagpapagawa ang kapatid ko sa akin ng pekeng medical certificate para sa kanyang trabaho. Posible ba akong maparusahan kung gagawin ko ito dahil hindi naman ako doktor? — Angie
Dear Angie,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 174 ng Revised Penal Code of the Philippines na:
“Art. 174. False medical certificates, false certificates of merits or service, etc. — The penalties of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period and a fine not to exceed P1,000 pesos shall be imposed upon:
1. Any physician or surgeon who, in connection, with the practice of his profession, shall issue a false certificate; and
2. Any public officer who shall issue a false certificate of merit of service, good conduct or similar circumstances.
The penalty of arresto mayor shall be imposed upon any private person who shall falsify a certificate falling within the classes mentioned in the two preceding subdivisions.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, hindi dahilan ang inyong hindi pagiging doktor upang kayo ay hindi mapanagot sa batas na nabanggit. Gayundin, maaaring maparusahan ang inyong kapatid sa paggamit ng palsipikadong medical certificate sang-ayon sa Article 175 ng parehong batas na nabanggit sa itaas. Ayon dito:
“Art. 175. Using false certificates. — The penalty of arresto menor shall be imposed upon any one who shall knowingly use any of the false certificates mentioned in the next preceding article.”
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments