Balikan nila ni Herbert, ibinulgar… KRIS, TODO-THANK YOU KAY HARLENE NA BOTO SA KANYA
- BULGAR

- Aug 7, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

GUSTONG malaman ng shippers nina Kris Aquino at Herbert Bautista kung gagawa ba ng pelikula ang dalawa o kung may iba pa silang project na pagsasamahan. Dahil ito sa sagot ni Kris kay Harlene Bautista (sister ni Herbert) nang mag-congratulate ito sa mataas na final grades ni Bimby.
Sagot ni Kris kay Harlene, “Nag-usap na kami ng kuya mo. Thank you, Harlene. Umaarte pa, feeling script doctor. Ikaw daw kausapin sa sked. Thank God like mo ‘ko.”
Aliw ang reaction ng mga netizens dahil may mga natuwa kung sakali ngang may project na pagsasamahan sina Kris at Herbert, pero may mga nagpayo rin sa Queen of All Media to stay single.
Anyway, kumuha ng writing workshop kay Ricky Lee si Herbert. Makakatulong ang matututunan nito sa gagawin nilang project ni Kris.
Samantala, nabanggit ni Kris na mananatiling homeschooled si Bimby sa 7th, 8th at sa 9th grade o sa high school ay baka sa ibang bansa na siya mag-aaral.
Gusto niyang ma-enjoy ni Bimby ang kanyang high school life at wish lang ni Kris, makaya niya na malayo sa kanyang anak.





Comments