top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di lang nakakapagpapayat, besh! PAGPA-FASTING, NAKAKAPAGPAHABA NG BUHAY!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

BAGAMA’T, usung-uso na ang mga food trip ngayon — pag-inom ng milktea at pagkain ng samgyupsal, marami pa rin sa atin ang nagpa-fasting, lalo na kung kailangan sa relihiyon.

Pero, alam ba ninyo na bukod sa maaari nitong mabawasan ang inyong timbang, eh, nakakapagpahaba rin daw ito ng buhay, ayon sa mga eksperto?

Weh, ‘di nga?

Sa pag-aaral, ang epekto ng fasting sa katawan ng tao ay marami. Isa na rito ang pag-increase ng metabolic activity kung saan maaari tayong pumayat.

Gayunman, dahil gusto pang alamin ng mga eksperto ang maaaring maging epekto ng pagpa-fasting ay gumawa sila ng eksperimento sa pamamagitan ng mga daga. Napatunayan nila na ang fasting ay nakai-increase ng lifespan, kaya imbes na mamamatay ang mga daga dahil hindi sila pinakakain sa tamang oras, eh, mas humahaba pa ang kanilang buhay. Wow!

Sa Journal Scientific Reports, sinasabing ang resultang ito ng fasting ay dahil sa caloric restriction ng indibidwal.

Dagdag pa rito, ang pagtaas ng tatlong metabolites kabi­lang ang leucine, isoleucine at ophthalmic acid ay nakatutulong din umano para ma-extend ang buhay ng tao at ito marahil ang dahilan kung bakit kahit nag-iba ang routine ng kanilang pagkain ay nananatili silang malakas at buhay.

Kaya sa mga beshy natin diyan na gustong pumayat at humaba ang buhay, make sure na magpa-fasting din kayo ‘pag may time. Pero, kung hindi kaya ng inyong katawan dahil may iniinda kayong karamdaman, huwag n’yo nang ipagpilitan dahil baka lalo lang kayong mapahamak. Gets n’yo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page