Sec. Duque, todo-palusot ‘wag lang matuloy ang senate investigation

DOH SEC. DUQUE, ATRAS ANG “BALLS’ SA SENATE PROBE—Iimbestigahan na ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa mga anomalyang kinasasangkutan ni Department of Health Sec. Francisco Duque III at ng pamilya nito.
Ang masaklap, nagpasabi agad si Sec. Duque na hindi siya makasisipot sa Senate investigation dahil busy siya sa pagmo-monitor sa dengue outbreak sa bansa.
Tila may itinatago talagang “baho” si Sec. Duque kasi atras ang “balls” niya sa Senate investigation, period!
◘◘◘
SEN. HONTIVEROS, SUMABIT DIN KAYA SA ANOMALYA? — Malamang, kakaba-kaba si Sen. Risa Hontiveros sa imbestigasyong isasagawa ng komite ni Sen. Gordon tungkol sa mga anomalyang kinasasangkutan ng pamilya ni Sec. Duque.
Kapag minalas-malas, maaaring ang imbestigasyon sa mga anomalyang kinasasangkutan ni Sec. Duque at ng pamilya niya ay umabot sa katiwaliang naganap noong miyembro pa ng board of dirctors ng ahensiya si Sen. Hontiveros, boom!
◘◘◘
DAPAT IPA-LIFESTYLE CHECK DIN NINA LTO CHAIRMAN GALVANTE AT LTFRB CHAIRMAN DELGRA ANG KANILANG SARILI SA OMBUDSMAN—Ipinag-utos nina LTO (Land Transportation Office) Chairman Edgar Galvante at LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) Chairman Martin Delgra III ang lifestyle check sa kanilang mga tauhan.
Ganu’n, bakit ang mga tauhan lang nila? Dapat magpakita ng magandang halimbawa sina Chairman Galvante at Chairman Delgra sa pamamagitan ng pagpapa-lifestyle check sa kanilang mga sarili sa Office of the Ombudsman upang malaman ng publiko kung wala silang mga hidden wealth, period!
◘◘◘
RAKET NI ‘EFREN’, NAMAMAYAGPAG SA MABALACAT, PAMPANGA—Namamayagpag daw ang raket na tupada, sakla at drop balls ni “Efren” sa Bgy. Dau, Mabalacat, Pampanga.
Kapag sinabing namamayagpag, ibig sabihin, “untouchable” pala ang mga raket ni “Efren” sa jurisdiction nina Mayor Crisostomo Garbo at Pampanga PNP Director Col. Jean Fajardo, buwisit!





Comments