SANAY NA SA PISIKALAN, HANDA NANG MASAKTAN!


HIGIT na magkakasakitan at uusok sa mainit na tagpo ang susunod na yugto ng aksiyon sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals, bukas, sa pagitan ng TNT KaTropa at San Miguel Beermen.
Iyan ang nakikitang magiging senaryo umano ni TNT import Terrence Jones na siyang naging pangunahing pambato ng team nang pumukpok ito nang todo sa bisa ng pagpapalipad ng mga dunks at ginulantang ang Beermen sa sipag niya sa loob ng court sa pagbubukas ng serye ng Game 1 noong Linggo nang timbugin ng KaTropa sa 109-96 na panalo sa likod ng 41-puntos na niratsada ng dating NBA first round draftee.
Wala aniyang nakikitang kakaibang mangyayari sa susunod na game ang 27-anyos na import sa pagharap muli ng dalawang magiting na koponan sa Smart Araneta Coliseum. “I’m used to it. You know, this is the championship so I’m definitely emotional as well,” saad ni Jones sa PBA online na tila hindi umubra ang pagdepensa sa kanya ng SMB bigmen na sina Christian Standhardinger, Arwind Santos, Kelly Nabong at Chris Ross. “I love to play the game, I love to win. So I’m here not to let anybody punk me,” giit pa ng TNT import, na nakapaglaro ng apat na seasons sa Houston Rockets. Rumatsada si Jones ng 62 percent shots, 12 rebounds at 8 assists sa loob ng 45 minutong laro. Nagkainitan pa sila ni Ross sa gitna ng 3rd quarter nang masiko niya sa mukha ang San Miguel guard habang hinahawi ito palayo, dahilan ng pagkakatawag ng offensive foul sa TNT import.
Intensiyunal para kay Ross ang nangyari, pero itinanggi ni Jones. “I guess, he (Ross) felt I was on him or something,” ayon sa produkto ng University of Kentucky. “I tried to help him up to let him know that it was not intentional, but he didn’t want my help. It’s the playoffs.”
Sinabi ni Jones na bagama’t ilang ulit na siyang nasaktan, sinikap niyang hindi mapikon. “And make sure I stay in the game for my team,” dagdag niya. “That pretty much the only thing that you know, teams try to do to make me not be as aggressive on offense,” giit pa ni Jones. “So you know it comes within the game, and I’m ready for it.” (ATD/MC)





Comments