top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pedestrian, 2 motor inararo ng kotse

Janice Baricuatro
Aug 6, 2019
1 min read

TODAS ang isang lala­king pedestrian matapos makaladkad ng kotse na mi­namaneho ng nurse at nada­may din ang dalawang mo­torsiklo na nakaparada, ka­makalawa sa ka­habaan ng Ka­wit-Noveleta Diversion Road, Kawit, Cavite.

Kinilala ang namatay na si Antonio Va­lera, 53, may asa­wa, power window ins­taller, residente ng Bgy. Sal­cedo 2, Noveleta, Cavite.

Sugatan din ang nurse na driver ng kotse na si Nilda Encarnacion, 43, residente ng Bgy. Bacao 1, Gen. Trias.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Jason Bianes Murcia, ala-1:30 ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa na­sabing highway. Minama­ne­ho ng nurse ang kanyang kotse nang sa hindi malamang dahilan ay inararo nito ang dalawang motor na naka-park sa gilid ng kalsada na pag-aari nina Aldren Valera, 32, at Val Va­lera, 28, kapwa power win­dow installer.

Wasak ang dalawang mo­tor, gayundin ang sasakyan ng suspek habang pumaila­lim naman sa mga sasakyan ang pedestrian na si Antonio na napuruhan sa ulo sanhi ng kanyang pagkamatay.

Hawak na ng pulisya ang nurse at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page