top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga pader sa Maynila, wag babuyin!

Isko Moreno
Aug 6, 2019
1 min read

KAMAKAILAN, nanawagan tayo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na pangunahan ang operasyon para matigil ang paglipana ng iligal na droga at mga kriminal sa Baseco compound. Nangyari ito sa ipinatawag nating meeting sa City Anti-Drug Abuse Council na dinaluhan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Matagal nang napababalita ang mga iligal na gawain sa Baseco ngunit, lumipas ang maraming taon ay wala pa ring nangyayari. Kailangang tuluy-tuloy at walang humpay ang operasyon dito.

Sinabi natin sa mga nasabing ahensiya kung kaya nating linisin ang Baseco, kaya rin ninyong gawin ito saanmang sulok ng Pilipinas. Ito ay basehan kung gaano katatag at kadeterminado ang ating mga alagad ng batas at ahensiyang namumuno ng kampanya laban sa iligal na droga.

Ang iligal na droga ay kanser ng lipunan at kailangang masugpo kung nais nating maging maganda ang kinabukasan ng kabataan.

Samantala, tayo rin ay nananawagan sa ating mga kapatid sa kaliwa at kung sinuman na patuloy na nagba-vandal sa mga parke at pampublikong mga pader. Iginagalang natin ang “freedom of expression”, ngunit, hindi pa ito “ganap”. May mga batas at patakaran tayong sinusunod kaya iminungkahi natin kamakailan na maglagay ng “freedom wall” o anuman ang gusto ninyong itawag at doon ilahad ang inyong mga hinaing o gusto ninyong i-express.

Huwag nating babuyin ang Liwasang Bonifacio at iba pang mga pader sa Maynila. May tamang lugar kung saan puwede ninyong ilabas ang inyong mga saloobin.

Tayo ay mababang-loob na nakikiusap sa inyo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page