Kelot, tiklo sa droga sa LRT

Aug 6, 2019
1 min read

TIKLO ang isang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang marijuana sa istasyon ng LRT 2 sa Quezon City, kamakalawa ng madaling-araw.
Alas-4:30 ng madaling-araw nang dumaan sa security check ang 28-anyos na suspek sa Araneta Center-Cubao Station.
Gayunman, nang itsek ng sekyu ang kanyang bag, nakuha ang nasa limang gramo ng marijuana.
Kaugnay nito, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (BRT)





Comments