Bagong henerasyon, walang alam sa totoong kasaysayan ng 'Pinas
- BULGAR

- Aug 6, 2019
- 2 min read
GUGUNITAIN ang ika-5 siglo ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan.
Siya ang itinuturing na sinaunang “Neil Armstrong” ng unang sibilisasyon sa Europe.
Ang Pilipinas ay ikinumpara nila sa “moon”!
◘◘◘
MATAGAL nang iniismol at kinukutya ng mga taga-Europe ang Pilipinas.
Pero, nahulog ang kanilang salawal nang madiskubreng napakaraming ginto sa Pilipinas!
◘◘◘
MAKARAAN ang limang siglo, hindi naubos ng mga hinayupak na dayuhan ang ginto sa Pilipinas.
Hanggang ngayon, kabundok ang ginto sa kailaliman ng teritoryo ng Pilipinas!
◘◘◘
SA pinakahuling datos ng mga siyentipiko, mas naunang nagkaroon ng sibilisasyon sa Pilipinas kaysa sa Europe.
Ito ay nang matuklasang may “matansero” o “butcher” sa kabundukan ng Kalinga-Apayao 700,000 taon na ang nakararaan.
Ang Lahing Kayumanggi ang pinakamahusay kumatay ng dambuhalang hayop at pinakabihasang maglayag sa karagatan!
◘◘◘
BAGO pa dumating sa Pilipinas si Magellan, itinuturing na pinakadakilang mandaragat ang mga sinaunang tao sa isla ng mga kayumanggi.
Ang Pilipinas ang “isla ni Solomon” na binanggit sa Lumang Tipan.
Sa pagsasaliksik, ang Pilipinas ang Ophir at dito raw nagmula ang “ginto” na ginamit ni Haring Solomon sa pagtatayo ng templo sa Jerusalem!
◘◘◘
WALANG ginto sa Israel at inangkat lamang daw ni Haring Solomon ang mga ginto mula sa “dulong silangan” sakay ng mga barko.
Ang mga teksto sa Old Testament ay sinuring mabuti ng mga eksperto at natuklasan nila ang teritoryo ng maliliit na isla sa dalampasigan ng Pasipiko na ginawang bakasyunan ni Haring Solomon!
◘◘◘
MATAGAL nang panahon, naninirahan sa Pilipinas ang maaalindog na kadalagahan kaya nawili si Haring Solomon na magbakasyon dito.
Bago pa ang mga Kristiyano, ang katagang “bathala” ay may konotasyon ng pagkadiyos na idinidikit sa pilosopiyang “Kabbala”, ang orihinal na sinaunang relihiyon na pinagmulan ng Judaismo at Kristiyanismo!
◘◘◘
MATAGAL nang may “diyos” sa Pilipinas, bago pa magkaroon ng mga dakilang relihiyon ang iba’t ibang panig ng mundo.
Maging ang kultura sa Pilipinas ay higit na matayog kaysa sa mga dakilang relihiyon.
Ang mga konsepto at pilosopiyang katutubong kayumanggi ay binura at minarkahan nila bilang mga aswang, kapre, manananggal at mangkukulam, pero ang katotohanan, sila ang sinaunang manggagamot noong sinaunang sibilisasyon!
◘◘◘
PANAHON na upang magsaliksik ang mga kabataan sa kadakilaan ng Lupang Kayumanggi at mga taong higit na kagalang-galang na namuhay sa ating teritoryo.
Hindi dapat paniwalaan ang mga modernong aklat na iniakda ng mga dayuhan sapagkat ang mga teksto at konteksto nito ay pabor sa malalaking bansa at bumubura sa matayog na antas ng kultura ng sinaunang Lahing Kayumanggi!





Comments