Adik sa sugal, kotse ng operator isinangla | GRAB DRIVER KARNAPER


ARESTADO ang isang Grab driver makaraan umanong tangayin at isangla ang ipinapasadang sasakyan ng kanyang operator.
Sa pahayag ng operator, ilang araw nang kulang o walang inire-remit na boundary ang 38-anyos na suspek.
Napag-alamang isang taon na itong Grab driver hanggang sa mabisto ng biyenan ng operator na ibinenta ng suspek ang ipinapasadang kotse sa halagang P27,000 sa Kawit, Cavite.
Narekober sa follow-up operation ang sasakyan mula sa 22-anyos na estudyanteng nakatira malapit sa isang casino.
Sinasabing isinangla ng suspek ang kotse nang malulong ito sa sugal. Samantala, kinasuhan ng carnapping ang suspek. (BRT)





Comments