top of page
Pokwang.jpg

Sumasakit na ba ang ulo mo, besh? Tips para ‘di malubog sa utang

Hiraya
Aug 5, 2019
2 min read

PAGKATAPOS ng payday, nakaabang ang katakut-takot na mga bayarin natin kaya marami sa atin ang ayaw nang mag-withdraw ng suweldo dahil siguradong daraan lang ito sa ating mga palad. Hu-hu-hu! Pero, beshies, it’s time na para huwag matakot sa mga bayarin dahil tamang paghahanda bago ang due date ang solusyon para rito. Narito ang ilang diskarte na makatutulong sa inyo:

1. SURIIN ANG LIFESTYLE. Lahat tayo ay may iba’t ibang lifestyle kung saan ito ang pinakamalaking factor pagdating sa bayarin. Isang paraan para hindi matakot sa bayarin ay ang pagsusuri sa lifestyle na mayroon tayo — kung worth it ba ang nakasanayan nating pamumuhay o puwede namang mas simple rito. Halimbawa, gym subscription, kailangan ba talagang pumunta sa gym o puwede namang mag-workout sa bahay? Mas praktikal bang mag-prepaid load o postpaid plan? Worth it ba ang music and movie subscription? Think wisely, beshies!

2. HUWAG MANGUTANG. Minsan, hindi masama ang umutang, pero, kapag hindi ito na-manage nang maayos, malulubog ka lang dito. Kaya, mga besh, hangga’t kaya ninyong hindi mangutang, huwag itong gawin dahil nagkakaroon ito ng interest at ito ang nagpapatagal para makatapos sa pagbabayad. Kung may existing na utang, unahin itong bayaran at sikaping huwag na itong ulitin.

3. DISKARTE SA PAGPASOK SA TRABAHO. Ano ang mode of transportation mo para makapasok sa trabaho? Kung sawang-sawa ka na sa paulit-ulit na aberya ng public transportations, siguradong naiisip mo nang bumili ng sariling kotse. Pero, bago ito gawin, kompyutin muna kung magkano ang nagagastos sa pagkakaroon ng sariling sasakyan kabilang ang amortization, gasolina, maintenance at parking fee. Tooong komportable ang pagkakaroon ng sariling sasakyan, pero dapat mong alamin kung praktikal ito. Baka mas praktikal kung lumipat ng bahay na mas malapit sa trabaho? Hmmm…

4. HUWAG MAGPATUKSO SA SALE. Tuwing payday, napakaraming sale na naglalabasan sa malls kaya minsan, kahit hindi natin kailangan, go lang tayo nang go. ‘Ika nga nila, anuman ang naka-sale, kung hindi mo ‘yun kailangan, mahal ‘yun. Bakit? Halimbawa, marami kang sapatos, pero dahil natukso ka sa P3,000 rubber shoes na dating P5,000, hindi ka nakatipid dahil gumastos ka. Imbes na makapagtabi ka ng P3,000, nagastos mo ito sa bagay na hindi mo kailangan. Tandaan, the best way to prepare for your bills is by not prioritizing wants over needs. Okie?

5. RAKET PA MORE. Madalas nating nararamdaman na kulang ang kinikita natin kaya naghahanap tayo ng iba pang pagkakakitaan. Maraming raket o part-time jobs ang patok ngayon tulad ng pagbebenta ng packed meals at baked goodies, e-loading business, pagraket sa events, freelance writing at marami pang iba. Discover your passion and make money out of it! Ganern! Ang pagbabayad ng bills ay walang katapusan kaya marami ang nai-stress pagdating sa due date nito. Huwag magpatalo sa bills, beshies! Basta marunong kang mag-manage ng pera, wala kang dapat ikatakot dahil anumang bagay, siguradong kaya natin itong diskartehan. Have no fears sa bayarin with these tips, mga ka-Bulgar! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page