Pinili na raw ng Diyos | SARA, NEXT PRESIDENT
- Mylene Alfonso
- Aug 5, 2019
- 1 min read

MALAKI ang posibilidad na manalo si Davao City Mayor Sara Duterte sakaling magdesisyong tumakbo sa pagkapangulo sa taong 2022.
“If she runs, she will certainly win,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ginawa rin ni Panelo ang kanyang pahayag matapos aminin ni Pastor Apollo Quiboloy na pinili ng Diyos si Mayor Duterte upang maging susunod sa kanyang ama.
Matatandaang, sa panayam kay Sara sa ‘Give Us this Day’ program ni Pastor Quiboloy, sinabi ng presidential daughter na hihingi siya ng tulong sa Poong Maykapal para makapagdesisyon.
At kung plano ng Diyos na maging pangulo siya ay magiging madali aniya ang kanyang pagdedesisyon.
Nang tanungin si Panelo kung pabor siya sa naging pahayag ni Quiboloy kaugnay kay Mayor Duterte ay magkakaiba naman aniya ang opinyon ng bawat isa hinggil sa naturang isyu.
“When the President was told he was the chosen one, he did not believe until he was elected,” ani Panelo.





Comments