Northern samar niyanig ng magnitude 4.8

NABULABOG ng Magnitude 4.8 ang mga residente sa Pambujan, Northern Samar, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), naitala ang pagyanig sa layong 21 kilometero ng hilagang-kanluran ng munisipyo ng Pambujan.
Naramdaman ang Intensity IV sa Pambujan, Catarman, Laonag, San Roque at Mondragon sa Northern Samar habang Intensity III sa Palapag, Biri, Mapanas, San Jose, Gamay, Lavezares, Las Navas, San Isidro, Rosario, Victoria, Lope de Vega, Allen, Lapinig, Silvino Lobos, Northern Samar at San Policarpo, Eastern Samar.
Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Borongan City.
Alas-7:17 ng umaga nang maitala naman ang Magnitude 4.4 na lindol at naramdaman ang Intensity II sa Palapag, Northern Samar at Irosin, Sorsogon.





Comments