top of page

Nahihirapan ka bang huminga, besh? MGA SINTOMAS PARA MALAMANG MAY MIKROBYO SA KATAWAN

  • Ronalyn
  • Aug 5, 2019
  • 3 min read

COMMON ang parasitic disease sa mga maruruming lugar, pero hindi lamang sa maruruming lugar ito nakukuha at alam ba ninyo na milyun-milyong katao ang naaapektuhan ng parasites kada taon?

Mayroong tatlong klase ng parasites, “protozoa” ang tawag sa parasite na maliit at one-celled organism na naninirahan sa intestines, dugo at tissue ng katawan; “helmints” ang tawag sa parasitic worms tulad ng tapeworms, roundworms at thorny-headed worms at ang “ectoparasites” tulad ng ticks o kuto ng aso, fleas, lice at mites na madalas dumarapo sa balat. Ang parasite ay isa sa mga pangunahing dahilan ng iba’t ibang sakit na maaaring ikamatay ng ilan kaya kinakailangang magamot kaagad ito.

Paano malalaman kung mayroong parasites na namumuhay sa katawan?

1. PANANAKIT NG TIYAN. Ayon kay Dr. Daliah Wachs, board-certified family physician sa Las Vegas, madalas nakukuha ang parasites sa pag-inom ng mga kontaminadong tubig. Sa ganitong sitwasyon, makararanas ng matinding pananakit ng tiyan ang taong nakainom ng kontaminadong tubig hanggang hindi napupuksa ang mga parasite. Maaari ring makakuha ng skin parasite sa pamamagitan ng paglangoy sa mga ilog o maruming tubig.

2. BULATE SA DUMI. Sey ni Dana Hawkinson ng University of Kansas Health System, ang pagkain ng undercooked beef o pork ay maaaring maging dahilan sa pagkakaroon ng intestinal tapeworms na “taenia type”.

Ang pagkain ng hindi masyadong luto o half cooked na isda ay isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng diphyllobothrium, isa ring uri ng intestinal tapeworm. Ang pagkain o pag-inom ng mga kontaminadong pagkain at inumin ay nakapagdudulot ng ascaris infection na nakukuha sa ascaris intestinal roundworms na maaaring lumaki hanggang 35cm. at nagiging dahilan ng intestinal blockage. Dagdag pa ni Dr. Niket Sonpal, associate program director ng Internal Medicine Residency sa Brookdale Hospital Medical Center, isa sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng larvae na sumasama sa pagdumi.

3. NABABAWASAN ANG TIMBANG. Maraming sakit na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pero ito ay maaari ring dahilan sa pagkakaroon ng parasite sa katawan. Sinabi ng medical director ng Iowa Department of Public Health na si Dr. Patricia Quinlisk, bumababa ang timbang ng mga taong mayroong tapeworms dahil ang malalaking parasite na ito ang kumakain sa mga kinakain ng tao. Kasabay ng pagbaba ng timbang ay makararamdam din ng kawalang-gana sa pagkain at upset stomach ang indibidwal.

4. TUMATAGAL ANG ORAS SA PAGGAMIT NG CR. Isa ito sa mga kadalasang parasite symptoms. Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang Giardia infection ang isa sa mga pangunahing parasitic disease na nakaaapekto sa mga tao, partikular na sa United States.

Ito ay nakukuha sa infested water, hilaw na pagkain at paghawak sa mga bagay na mayroong “giardia” tulad ng bathroom handles at tabo. Ang matubig o watery diarrhea, kabag, abdominal cramps at dehydration ay ilan lamang sa mga sintomas nito.

5. KAKULANGAN SA BITAMINA. Sey ni Dr. Amesh A. Adalja, senior scholar ng Johns Hopkins Center for Health Security, ang gastrointestinal parasites ay nagdudulot ng abdominal pain, bloating, diarrhea, pangangati, anemia, Vitamin B12 deficiency at intestinal obstruction o pagbabara.

6. HIRAP SA PAGHINGA. Kadalasan, ang mga parasite ay naninira ng sistemang panunaw tulad ng bituka, pero, mga lodi, ang parasites ay maaari ring manirahan sa lungs. Ang kahirapan sa paghinga at pag-ubo ay ilan lamang sa mga sintomas ng ganitong uri ng parasite, ani Dr. Adalja.

Kaya, mga tropa, mag-ingat tayo at siguraduhing malinis ang ating mga inuming tubig at paligid, lalo na ngayong tag-ulan na naman.

Okay?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page