top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagising na lang daw na ayaw na sa aktor… ELLEN, PINAGSAWAAN NA SI JOHN LLOYD, INIWAN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 2 min read

GANERNN, Ateng Salve Asis? True kaya talaga na hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ayon sa iyong super reliable source?

Ayon sa report ni Ateng Salve sa isang tabloid (not BULGAR), nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya kay JLC, ayon na rin daw sa kuwento ng isang malapit sa aktres.

Alam na raw ng mga BFF ni Ellen ang real status nila, ayon pa sa source.

Well, malamang nga, true ang tsika, ‘coz may saying na… “Kapag may usok, may apoy!” Tsuk!

At siyempre, puwede ring lagyan ng background music na may lyrics that goes…. “Please release me let me go, ‘coz I don’t love you anymore…”

Tsk! Ang saklap naman para kay Lloydie na iniwan ang showbiz world para lamang kay Ellen Adarna, tapos in the end, iiwanan lang pala siya sa ere.

Sey mo, Bea Alonzo? Tipong magkatugma ang status ng love life n’yo ng dati mong ka-love team, ha?! As in kung iniwan ka sa ere ni Gerald Anderson, si Lloydie naman ay iniwan ni Adarna na ewan lang kung lumipad na papunta sa ibang pugad. Ibang pugad daw, oh!

‘Di kaya kayong da­la­wa rin ni Lloydie ang ta­la­gang nakatadhana sa isa’t isa sooner than soon, ha, Bea?

Hayzzz, ewanku­la­ngot!

Saka sa true lang, may mga tao talagang sawain or madaling mag­sawa, mere­seng sa food man, gamit or sa dyowa. Ewan lang kung belong talaga rito si Ellen Adarna. Ask n’yo na lang ang dating BF nitong si Bas­te Duterte, okidoki?

Now ang tanong, may babalikan pa kaya itong si Lloydie sa kanyang dating sitcom na Home Sweetie Home?

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page