MPBL: SASAKAY SA NO. 8 SPOT ANG KNIGHTS; ATHLETICS, MASUSUBOK

TARGET ng malupet na San Juan Knights ang panalo para makuha ang No. 8 spot kontra Quezon City Capitals ngayong Lunes sa pagpapatuloy ng laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Ang laban ay simula alas-8:30 p.m. kung saan ang Knights, kampeon ng MPBL Datu Cup ay pakay ang malinis na kartada at top spot vs. Capitals na may 4-3 card.
Mapapahamon ang Batangas City Athletics kontra mapanganib na Pasay Voyagers ng alas-4 p.m habang ang Muntinlupa Cagers kontra Nueva Ecija MiGuard ng alas-6:30 p.m. Nasubok na ang Knights ng Bataan Risers bago naangkin ang 87-79 overtime victory noong Hulyo 27 sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City. Ibabalandra ng team sina Skywalkers Mike Ayonayon at Jhonard Clarito sa Knights kasama sina dating pros John Wilson, Mac Cardona at Larry Rodriguez.
Ang Athletics, ang inaugural MPBL Rajah Cup titlist, ay may dalawa pang laro pero, dapat mag-ingat sa Voyagers na nakasakay sa 83-78 na panalo kontra Bacolod noong Agosto 1.
Sa tikas nina Jhaymo Eguilos at Jeff Viernes, ang Athletics ay may 3-1 slate, habang ang Voyagers nina Jan Jamon at Raymund Ilagan, ay may 4-5.





Comments