top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Mga komunista at dilawan, magkasabwat Patayan sa Negros Oriental, Martial Law na ang katapat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 3 min read

PINAG-IISIPAN ngayon ng Malacañang kung ipatutupad ang planong deklarasyon ng Martial Law sa Negros Oriental. Ayon sa ulat, 21 ang namatay mula pa noong July 18 kung saan apat na intelligence police officers ang in-ambush at pinaghihinalaan pang tinortyur ng mga rebelde na naging sanhi ng kanilang kamatayan sa bayan ng Ayungon.

Matagal nang malakas ang puwersa ng mga teroristang komunista sa rehiyon ng Visayas, partikular sa Negros Oriental.

Hindi lang dahil maraming bundok at gubat doon na puwede nilang mapagtaguan kundi binibigyan din sila ng proteksiyon ng dilawang elitista na nakabase roon at sa iba pang bayan sa Western Visayas.

Matagal nang may alyansa ang mga komunista at dilawan. Nagsimula ito nang mag-meeting noon sina Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at Jose Maria Sison kasama si Bernabe “Kumander Dante” Buscayno sa Hacienda Luisita. Rito nabuo ang Communist Party of the Philippines at armadong grupo nito, ang New People’s Army (NPA).

Hanggang ngayon, salot sa lipunan ang mga CPP-NPA. Isang “terrorist organization” ang NPA, ayon sa gobyerno ng Pilipinas, Estados Unidos at Europa. Ibig sabihin, kriminal ang turing sa kanila.

‘Yung mga nagdadaldal d’yan tungkol sa ‘human rights’ ay mga front lamang ng mga komunista. Gusto nilang pagtakpan ang tunay na intensiyon ng CPP-NPA — ang pabagsakin ang gobyerno upang madali silang makaagaw ng kapangyarihan.

Unang pinapatay ng mga NPA ang ating mga pulis at militar dahil ito ang nanghuhuli sa kanila. Ang mga napatay ay sina Police Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callao, Patrolman Ruel Cabellon at Patrolman Marquino de Leon. Maituturing na mga bayani ang mga pulis na ito na nagtatanggol ng ating kalayaan.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng pinagsanib-puwersa ng kapulisan at militar ang mga komunistang salarin kasunod ng pag-ako ng NPA na sila ang pumatay sa mga pulis, taliwas sa ulat ng dilawang media na itinatanggi raw ng NPA na sila ang gumawa ng krimen. Tsk!

Kung magtatraydor lang sila sa bayan, tama yata na huwag nang i-renew ang kanilang prangkisa. Dilawan ang kanilang mga ‘boss’, hanggang buto ay kaalyado sila ng CPP-NPA.

Ang tanong natin sa mga kongresista, kampi ba kayo sa bayan o sa mga komunista?

Kamakailan, mayroon ding mga ulat kung saan may iba pang pinatay ang CPP-NPA, mga lokal na opisyal kasama ang isang dating mayor, barangay captain at abogado.

Malinaw na may legal na basehan ang pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Visayas kung matutuloy ito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang Proclamation No. 55 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Setyembre 4, 2016 ay opisyal na deklarasyon ng “state of emergency”. Ito ay matapos ang pambobomba sa Davao City kung saan 14 katao ang namatay, samantalang, 60 naman ang nasugatan.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung magkakaroon ng Martial Law sa Negros Oriental, kakaiba o hiwalay ito sa Martial Law na kasalukuyang ipinatutupad sa Mindanao.

Matatandaang, muntik nang maagaw ng ISIS ang Marawi kung hindi sila nilabanan ng ating mga magigiting na militar.

Isang paraan ang Martial Law para matigil ang “lawless violence” sa Negros, dagdag pa ni Panelo. Maaaring ipatawag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para matulungan ang tropa ng kapulisan sa Visayas.

Sigurado tayong ang mga ordinaryong Pilipino, lalo na ‘yung mga sumusunod sa batas ay susuportahan ang Martial Law kapag ipinatupad ito.

Walang matinong Pilipino ang gusto ng dahas na kapag pinabayaan ang NPA na magkalat at mamayagpag, hindi natin makakamit ang kapayapaan at puro patayan na lang ang mangyayari sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page