JONES KO NAMAN, TNT, NANAMBAK!
- BULGAR

- Aug 5, 2019
- 1 min read

SINISIW ng TNT KaTropa ang San Miguel Beer, 109-96 sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Kumayod si Terrence Jones ng 41 points, 12 rebounds at walong assists para ilista ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series. Ipinaramdam ng KaTropa ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 18-point lead 60-42 sa halftime. Tumikada agad si Jones ng 26 points sa first half. Nanatili ang magandang laro ng TNT kaya hawak pa rin ang malaking bentahe, 87-72 papasok ng fourth.
Hindi nagpabaya ang KaTropa sa payoff period kaya nakuha nila ang panalo. Samantala, nangunguna pa rin sina super rookies, Bobby Ray Parks Jr. at CJ Perez para sa Best Player of the Conference race matapos magtala ng 37.2 at 36.1 averages ayon sa pagkakasunod. Dahil hindi na naglalaro sa finals sina Parks at Perez ay hindi na gumalaw ang kanilang individual statistics at posibleng makahabol ang nasa third spot na si Jayson Castro. Isa pang rookie ang nagpapakitang gilas, ito’y si Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier. Matapos ang semis ang nasa Magic Five ay sina Parks, Perez, Castro (33.7), June Mar Fajardo (32.9) at Bolick (32.46). Mula sa fifth, lumagpak si Roger Pogoy No. 9 (30.8.), nasa No. 6 si Sean Anthony (32.45), sunod si Chris Banchero (31.1), Moala Tautua (30.9) at Matthew Wright (29.4) sa No. 10. Bakbakan naman sa Best Import sina Terrence Jones ng TNT KaTropa at Chris McCullough ng San Miguel Beer. (ATD)
Laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum)
7:00 p.m. - San Miguel vs TNT KaTropa





Comments