top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gustong humingi ng dagdag panahon para sumagot ng reklamo sa DARAB

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Ako ay nakatanggap ng kopya ng reklamo laban sa akin na isinampa sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) nitong nakaraang linggo, pero sa palagay ko ay hindi ko ito masasagot sa itinakdang panahon. Nais kong malaman kung maaari ba akong humingi ng dagdag na araw upang masagot ang nasabing reklamo? — Denise

Dear Denise, Para sa inyong kaalaman, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon ay ang Section 4, Rule VII ng 2009 Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) Rules of Procedure kung saan nakasaad na:

“RULE II

Summons, Answer, and Submission of Evidence

SECTION 4. Time to Answer Non-Extendible. – The fifteen (15) – day reglementary period within which the defendant or respondent is required to answer shall not be extended.” (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na panuntunan sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board o DARAB na hindi maaaring dagdagan pa ang 15 araw na reglementary period upang sumagot sa reklamong isinampa sa DARAB.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page