Tone-toneladang binakbak sa demolisyon, pinagkakitaan na?!
- BULGAR

- Aug 4, 2019
- 1 min read
APRUBADO na raw ang airport sa Bulacan.
‘Yan ang press release!
◘◘◘
KINOKONTRA ang deklarasyon ng Martial Law sa Negros Oriental.
Siyempre!
◘◘◘
AMINADO si Mayor Sara na type niyang palitan ang kanyang ama.
Pwes, siya ang magiging babaeng “Jojo Binay”.
Nangampanya nang maaga kaya naupakan din nang maaga!
◘◘◘
MARAMI ang nagtatanong, saan dinadala ang mga binabakbak sa bangketa at demolisyon?
Tone-toneladang “junk” ang nakukumpiska sa demolisyon.
Dapat maimbentaryo at hanapin ito ng mga government auditors dahil isang klase ng pagnanakaw sa gobyerno ang pagbebenta ng naturang “junks” nang hindi idinaraan sa maayos na proseso tulad ng subasta!
◘◘◘
MALAYA bang pinanakaw ng LGU o DILG sa task force demolition ang naturang junks na kinuha mula sa mga orihinal na may-ari?
Bakit hindi nagbibigay ng kaukulang resibo ang “task force” na nanghahablot, nagde-demolish sa naturang mga materyales lalo na ang mga bakal?
Isang motibo ng pagde-demolish ay para “manakaw” ng task force ang mga “personal na gamit” ng mga “nag-i-squat”!
◘◘◘
MAHALAGANG maglabas ng guidelines ang DILG sa maayos at tamang proseso sa “pagkuha” at “pag-dispose” ng naturang mga materyales mula sa “bawal na lugar”.
Dapat magbigay ng “resibo” ang task force na mag-i-explain sa “nakulimbat” nilang materyales”.
Matapos ito, magpakita sila ng mga “resibo o voucher” kung ibinenta o itinago nila sa bodega ang naturang mga materyales!
◘◘◘
May maayos bang imbentaryo ang LGU sa tone-toneladang bakal, yero at iba pa na nakulimbat ng task force?
Sino ang nakikinabang sa mga materyales na ito?
‘Yan ay dapat iulat ng DILG, ang maayos na disposal o pag-iimbentaryo!





Comments