Ilalampaso lang nina Kathryn at Alden… MAINE-CARLO MOVIE, KAILANGAN NG HIMALA
- BULGAR

- Aug 4, 2019
- 1 min read

DAHIL kumita sa takilya ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, may pressure naman sa pagtatambal nina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa pelikulang Isa Pa With Feelings.
May kilig factor din kaya sila as tandem tulad ng KathDen? Mapantayan kaya ng movie nila ang kinita at kikitain pa ng Hello, Love, Goodbye? Kasingbigat din ba ng Isa Pa With Feelings ang istorya ng HLG na nagustuhan ng publiko?
For sure, hindi rin maiaalis na ikumpara ang akting ni Maine sa husay ng pag-arte ni Kathryn na dalawang beses nang nanalong Best Actress (Star Awards and EDDY’s).
Dobleng promo ang dapat gawin upang ibenta at umingay ang Maine-Carlo movie. Magiging basehan ito para kay Maine kung tatanggapin na iba ang kapareha niya sa pelikula.





Comments