Dagdag-bawas sa presyo ng gas

PANIBAGONG dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang aasahan sa susunod na linggo.
Ayon sa pagtaya ng UniOil Petroleum, posible umanong walang paggalaw o tumaas ng hanggang 0.05 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel habang may nakikita itong pagbaba ng 10 sentimos sa presyo ng gasolina.
Ang napipintong price adjustment ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Malimit ang implementasyon ng oil hike o rollback ng mga kumpanya ng langis tuwing Martes.





Comments