top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bakit nga ba kahit lamig na lamig ka na? ICE CREAM, PABORITONG KAININ KAHIT UMUULAN

  • Donna Thea Topacio
  • Aug 4, 2019
  • 1 min read

BAGAMA’T, nakababahala ang madalas na pag-ulan dahil ma­­aari itong magdulot ng pag­baha sa iba’t ibang lansa­ngan, oks na oks pa rin ito dahil “bed wea­ther” at hindi mo na kakaila­nganin pang mag-aircon. Gayunman, bukod sa paghi­gop ng ma­init na sa­baw, ala­min ang mga pag­kaing ma­sarap ka­inin tu­wing umu­­ulan:

1. SORBETES. Yes, you read it right, beshy! Tuwing umuu­lan, kahit nilalamig na tayo, eh, feel na feel pa rin nating kumain ng ma­lalamig tulad ng ice cream. ‘Yung tipong dedma tayo kahit halos tumaas na ang ating ba­lahibo sa ginaw. Hi-hi-hi!

2. MAAANG­HANG NA PAGKAIN. Dahil nakakapagpainit ang maaanghang, ma­hilig tayong kumain ng mga pagkaing spicy. Ito kasi ang puwedeng alternati­bo sa mainit na sabaw, ‘di ba?

3. TSOKOLATE. Sa totoo lang, kahit anong panahon, masarap kumain ng tso­kolate. Pero, hindi ba, mas perfect kung ki­nakain ito habang nakasuot ng jacket at malamig ang paligid? Iwas-tunaw na rin, mga beshy! He-he-he!

4. MAIS. Isa ang mais na may sabaw at cheese powder sa mga street food na ma­sarap kainin tuwing umuulan. Dahil sa mag­kahalong alat at tamis, perfect talaga ito sa pan­lasa ng karamihan. Yum­my!

5. INIHAW. Ang la­kas maka-outing ng pag-iihaw, besh, pero aminin ninyo, masarap kumain ng barbecue, pusit at isda na inihaw tuwing umu­u­lan, lalo na kung isasaw­saw ito sa toyo at kala­mansi na ma­raming sili.

Ngayong umuulan, make sure na hindi ninyo makalilimutan ang mag-food trip dahil ito ang best na paraan para ma-relax kayo laban sa stress na inyong nararamdaman, pero hinay-hinay lang.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page