top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ARANAR AT NUALLA, SAYAW NG TAGUMPAY; SUBIC RACE, KANSELADO

A. Servinio/MC
Aug 4, 2019
2 min read

HINDI matutuloy ngayong araw ng Linggo (Agosto 4) ang ikalawang yugto ng 2019 MILO Marathon sa Subic Bay dahil sa masamang panahon sa lugar na pagdarausan ng karera. Nagpasya ang mga organizer ng patakbo kahapon na kanselahin ang event at ililipat na lamang ng bagong petsa.

Kahit ipinagpaliban sa Subic, marami pang mga karera ang puwedeng lahukan ng mga mananakbo na nais mapabilang sa National Finals na gaganapin sa Tarlac sa Enero 19, 2020. Bukas pa rin ang pagpapalista sa mga susunod na MILO Marathon sa Lingayen, Pangasinan (Agosto 18), Lucena (Setyembre 15) at Batangas (Setyembre 22).

Ililipat ang serye sa Visayas at Mindanao simula sa Cebu (Setyembre 29) at itutuloy sa Iloilo (Oktubre 6), General Santos (Oktubre 13), Davao (Oktubre 20) at magwawakas sa Cagayan de Oro (Nobyembre 19). Ang bahagi ng mga malilikom na pondo ng MILO Marathon ay ilalaan para mamigay ng libreng rubber shoes at bola sa mga mag-aaral ng piling pampublikong paaralan sa tulong ng Department of Education.

Samantala, nakahanda na para sa mga susunod na dancesport events sina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla nang magkampeon ang mga ito sa katatapos na 2019 Dance Sport Council of the Philippines Inc. (DSCPI) Midyear Ranking and Competition na idinaos sa Ballroom Hall ng Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Kuwalipikado na ang magpartner na sina Aranar at Nualla, para sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa at tinalo ang mga second placer na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen habang third placer sina Tristan John Ducay at Aileen Patrice de Lara upang pangunahan ang Grade A Standard title ng kompetisyon na inorganisa ni DSCPI President Becky Garcia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page