14 timbog sa droga

NASA 14 hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa ulat na natanggap ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-2:40 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. sa M. H. del Pilar St., Palasan, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Angelito Manalaysay, 45, at Ma. Cristina Paskin, 32, matapos magbenta ng shabu kay Pat. Kenneth Terrenal na umaktong poseur-buyer at Jennylyn Marcos, 30, Michelle Ranin, 50, at Jover dela Cruz, 43, na naaktuhang nagsa-shabu. Ani SDEU Investigator PSSg. Carlos Erasquin, Jr., narekober sa mga suspek ang P200 buy-bust money, P200 bill, 4 sachets ng shabu, dalawang nakabukas na sachets na may bahid ng shabu at drug paraphernalias.
Nauna rito, ala-1:30 ng madaling-araw nang madamba rin ng mga operatiba ng SDEU Team 4 sa pangunguna ni PEMSg. Noel Barnedo sa buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA sa 155 Pio Valenzuela St., Marulas sina Darell Miraflor, 26; Marc Joseph Louis Chica, 18; Pedro Sandiego, 51; Richard Sanjuan, 25, at Ryan dela Rama, 27. Ayon kay PCpl. Christopher Quiao, nakuha sa mga suspek ang P200 buy-bust money, P400 bill at 4 sachets ng shabu.
Timbog din ng mga operatiba ng SDEU Team 3 sina Joshua Tavera, 22; Patrick Amante, 19; John Robert Pasaylo, 19, at Francisco Balila, Jr., 44, sa buy-bust operation sa Area 4, Dumpsite, Pinalagad St., Malinta, alas-4:30 ng madaling-araw. Ani PCpl. Pamela Joy Catalla, nakumpiska sa mga suspek ang P200 buy-bust money, P200 bill at anim na sachets ng shabu.





Comments