UNDERGROUND BATTLE MMA, PORMAHANG WORLD CLASS
- BULGAR

- Aug 3, 2019
- 1 min read

MANANATILI ang Underground Battle Mixed Martial Arts para makatulong sa pangarap ng mga local fighters na maabot ang antas sa international.
Ayon kay UBMMA founder Ferdie Munsayac, patuloy ang pagsasagawa ng MMA promotion – sa pagkakataong ito sa Norte – upang maipagpatuloy ang nasimulang layunin na palawakin ang kaalaman ng Pinoy sa sports at ayudahan ang local fighters na maging world-class fighters.
“Tulad sa punong hitik sa bunga, ganyan ang UBMMA sa mga negatibong isyu na ibinabato sa amin. Pero, hindi namin ‘yan pinapansin. Our group is the longest and oldest local MMA promotions at patunay diyan ang halos isang 11 fight na nagawa na namin,” sambit ni Munsayac, tanyag din bilang ‘Papa Goat’. Iginiit ng dating US Navy na sisimulan nilang palakasin ang MMA sa Norte, partikular sa Ilocos upang makatuklas ng mga bagong talento na posibleng maging international fighters.
“UBMMA is here to stay. We’re innovator. Iiwan namin ang Manila dahil, masikip na rito sa dami ng MMA promotions. Sa Norte, particularly sa bayan ko sa Ilocos, doon kami hahanap ng ‘diamond in rough’. We produced a lot of champions in the past, kaya ipagpapatuloy namin ito for the sake of our MMA fighters,” sambit ni Munsayac. Ipinahayag din niya na mapapasailalim na sila sa kapangyarihan ng Games and Amusements Board (GAB).
“Starting September, GAB sanctioned na kami. Malaking bagay para sa welfare ng mga fighters ang programa ng GAB. I promised to shoulder the licensed fee ng fighters,” aniya. (MC)





Comments