top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

SHORT SA THURMAN FIGHT NI PACMAN, NABENTA NG P1.27-M

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

NAIBENTA sa bidding ang short na ginamit ni Manny Pacquiao laban kay Keith Thurman sa halagang P1.27 million sa isang charity auction. Hindi lamang si Pacman ang panalo sa naturang laban kontra Thurman kundi ang grupo na sumusuporta sa mga pasyenteng may mga karamdamang amyotrophic lateral sclerosis (ALS) dahil mabibiyayaan sila ng tulong mula sa naibentang short ni Pacman na ginamit noong Hulyo 21 na world title fight sa halagang $24,750 mula sa auction.

Ang bidding ay isinagawa online via CharityBuzz.com at tinapos na kahapon na suportado ng Jimmy Kimmel Live’s ALS Charity Initiative. Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, ang ALS ay isang “rare neurological diseases that mainly involve the nerve cells (neurons) responsible for controlling voluntary muscle movement.”

Samantala, ikaapat na puwesto ang pakay ng Cignal at Generika-Ayala sa sandali ng kanilang sagupaan sa pivotal match sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Maghaharap sila ng 6 p.m. kasunod ng 4 p.m. na bakbakan ng Marinerang Pilipinas at PLDT Home Fibr sa prestihiyosong women’s club league.

Nakapuwesto sa 3rd spot kahilera ang Foton na may 7-5 win-loss record kailangan ng Generika Ayala ng panalo upang umibayo ang standing sa krusyal na laro ng double-round preliminaries ng bakbakan.

Kung madali para sa Lifesavers ang misyon na kunin ang 3rd spot, pahirapan naman ito para sa Cignal na akyatin ang ranking ng magandang puwesto sa quarterfinals. Hindi nga lang lalaro sa kanila si skipper Angeli Araneta dahil sa left knee injury.

Bagamat wala si Araneta, nagtulungan sina Fiola Ceballos at Patty Orendain sa 30 puntos para sa kabuuang 51 kills kontra Sta. Lucia, 25-17, 20-25, 25-14, 25-9, noong Huwebes ng gabi.

Malakas din ang laro ni Ria Meneses sa bisa ng 11 points, habang si Mean Mendez ang humalili sa laro ni Araneta na may 8 puntos.

Patatatagin ni Generika-Ayala head coach Sherwin Meneses sa kanyang bataan ang pokus bagamat wala ang team captain para sa susunod na laro. “We have to move on from Araneta for now because our remaining games are crucial,” ani Meneses. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page