top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpindot sa 30th SEA Games, asam ng Sibol video gamer

  • Gerard Ace
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

IBABANDERA ng Philippine national team na ‘Sibol’ ang kanilang husay at galing sa larangan ng online gaming o ESports events sa anim na laro kabilang ang DOTA 2, StarCraft II, Hearthstone, Arena of Valor, Mobile Legends: Bang Bang at Tekken 7 para makuha ang inaasam na medalya rito. Sa unang pagkakataon ay mapapabilang na ang ESports sa 30th Southeast Asian Games na magbubukas simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, kung saan unang nasaksihan ito bilang demonstration sport sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Ang pinal na listahan ng mga lalahok sa biennial meet ay mayroong pitong manlalaro sa bawat isang games sa DOTA 2, Mobile Legends: Bang Bang, Arena of Valor, habang dalawang kinatawan para sa individual games gaya ng Tekken 7, Hearthstone at StarCraft II ang nakatakdang ganapin simula Disyembre 1-6 sa FilOil Flying V sa San Juan.

Anim na medalya ang pag-aagawan samantala, isang single demonstration ang gaganapin, na accredited ng Asian Electronic Sports Federation. Mahigit sa 30 manlalarong Pinoy ang miyembro ng national pool nito na susubok na mapabilang sa pinal na line-up ng national team kung saan magsasagawa ng isang qualifying event sa Agosto na bukas sa lahat mula 13 gulang pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page