Motor sinalpok ng van | RIDER AT ANGKAS, DEDO
- Levi Gonzales
- Aug 3, 2019
- 1 min read

PATAY ang rider at kanyang angkas matapos mabangga ng van sa Bgy. Danlagan, Lopez, Quezon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jimboy Gonzales, 23, at angkas nitong si Ramon Saladas, kapwa ng Bgy. Bitin, Bay, Laguna.
Ala-1:10 ng madaling-araw, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng diversion road nang salubungin umano ng Toyota Hi-Ace GL Grandia na minamaneho ng suspek na si Nel Basilla.
Nadale nito ang motorsiklo kung saan tumilapon ang dalawa sa gilid ng kalsada.
Agad silang dinala sa ospital subalit, hindi na rin umabot ng buhay sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.





Comments