top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Mga gov't. official, inutil pa rin sa problema ng baha at transportasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2019
  • 2 min read

BINAHA ang Metro Manila sa sandaling ulan.

Dapat dito na lang ilipat ang Angat Dam.

At magtayo ng metropolis sa tuktok ng Sierra Madre!

◘◘◘

NAKAPAGTATAKA, bakit walang proposal para sa Sierra Madre National Highway mula sa Marikina patungong Cagayan Valley Provinces?

Tiyak na walang baha ang national highway!

◘◘◘

LAGYAN din ng paikot na circumferential highway ang lahat ng baybaying-bayan sa Manila Bay mula Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Cavite.

Walang ganyang imprastruktura ang mga bopol na opisyal ng pamahalaan!

◘◘◘

PAGPAPARAMI ng kalsada ang solusyon sa matinding trapiko.

Bawal sa Konstitusyon na pigilin ang mga behikulong bumibiyahe nang pangmatagalan tulad ng color-coding scheme.

Hindi ‘yan puwedeng panghabambuhay!

◘◘◘

IPAGPAPALIBAN daw ang Barangay at SK Elections na nakatakda sa Mayo, 2020.

Ulit?

◘◘◘

ALAM kaya ng mga gunggong na ang halalan o eleksiyon ay kaluluwa ng demokratikong gobyerno?

Kapag paulit-ulit na ipinagpapaliban ang halalan, binababoy mismo ng mga mambabatas ang sarili nilang propesyon.

Ang mga mambabatas ang nagtatakda ng petsa ng alinmang halalan at sila rin ang nagbabago nito?

Bopol ba ang mga naunang mambabatas na pumabor sa naturang petsa?

◘◘◘

NAGPAPAPOGI lang ang mga mambabatas na nangungurakot sa mga barangay official na ma-extend ang termino.

Isang korupsiyon ito na walang kapatawaran!

◘◘◘

SA tunay na demokratikong gobyerno, sagrado ang alinmang halalan.

Sinumang mambastos dito o nagpapaliban ay lumalabag sa esensiya ng demokrasya!

◘◘◘

ILANG buwan na lang ang eleksiyon, pero ipagpapaliban pa.

Bakit hindi ‘yan ginawa ng naunang Kongreso?

Niloloko ng mga mambabatas ang sarili nilang trabaho!

◘◘◘

KAHIT apurahin, madaliin at iprayoridad ang pagpapaliban sa barangay election, maaaring kuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

Kapag nag-utos ang Korte Suprema na walang batas na maaaring ipatupad hangga’t nakabimbin ang kaso, tiyak na tuloy pa rin ang halalan!

◘◘◘

IBA na lang dapat ang asikasuhin ng mga mambabatas, huwag nilang bolahin o “paniwalain” ang mga incumbent barangay official sa extension of term.

Ang extension of term ay labag sa Konstitusyon.

Pagkakait ito sa mga botante na palitan ang mga elected official!

◘◘◘

MAKIKITA natin na ang mga nahahalal na kongresista at senador ay tila walang alam sa paggawa ng batas.

Nabibisto natin ang kanilang kamangmangan sa esensiya ng Konstitusyon at paggawa ng batas!

◘◘◘

INAAKSAYA lang ng mga mambabatas ang panahon at salapi ng gobyerno sa tangkang pagpapaliban sa eleksiyon.

Hindi ‘yan papayagan ng Korte Suprema.

Pero, ‘yan ay magaganap lang kung may magrereklamo sa kataas-taasang hukuman!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page