top of page
Pokwang.jpg

Malakas na pag-ubo, nakakaluslos

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ang problema ko ay ang pagsakit ng aking bayag. Kapag kinakapa ko ito ay parang mas malaki ‘yung isa na sumasakit. Gusto kong malaman kung ito ba ang tinatawag na luslos, mayroon bang posibilidad na ako ay maoperahan? — Edgar

Sagot

Ang paglaki ng bayag ng lalaki ay maraming puwedeng dahilan.

Ang luslos o hernia ay kondisyon kung saan hindi kumpleto ang pagkaka­hiwalay ng bayag sa loob ng tiyan kaya maaaring lumus­los ang bahagi ng bituka sa bayag. Ito ay puwedeng magdulot sa paglaki ng bayag at pagkirot. Sa luslos, kalimitan ay hindi pantay ang paglaki ng bayag (halim­bawa, mas malaki sa kanan kaysa kaliwa).

Ang pagkakaroon ng luslos ay nakukuha sa pagkabata pa lang ngunit, ito ay maaaring sumum­pong dahil sa pagbubuhat ng mabibigat, pag-ubo ng malakas, pag-iri o kung bumibigat ang timbang. Ito ay maaaring kusang mawala at muling bumalik.

Bukod dito, ang pag­kakaroon ng tumor sa bayag ay isa ring posibilidad, gayunman ipinapayong magpasuri agad sa doktor upang matukoy ang sanhi ng paglaki at pagsakit ng iyong bayag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page