Isa pa na-trap | EDAD 4 AT 7, PATAY SA SUNOG
- Mylene Alfonso
- Aug 3, 2019
- 1 min read

PATAY ang tatlong magkakamag-anak makaraang ma-suffocate nang ma-trap sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga nasawi na sina Consuelo Baltazar, 45; Samantha Clowie Ganitazo, 7, at Calvin Andrei Ganitazo, 4, pawang mga nakatira sa Unit A Dimasalang St., Sta. Cruz, Manila.
Natagpuan ang mga bangkay sa magkakahiwalay na posisyon sa loob ng kanilang unit.
Hindi naman nasunog ang mga katawan ng mga biktima kaya maaaring suffocation ang dahilan ng kanilang kamatayan.
Batay sa ulat ni Senior Fire Officer 4 Victor Bag-It, alas-5:00 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa nasabing unit ng mag-anak.
Inaalam naman ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng insidente bagama’t, sa inisyal na imbestigasyon, maaaring dahil sa electrical faulty wiring.





Comments