Ex-generals ng PNP at AFP, lagot sa pagpapayaman sa STL
- BULGAR

- Aug 3, 2019
- 2 min read
TIYAN NI ATTY. GORDON, SAPOL SA RESBAK NI P-DUTERTE—Hindi nagustuhan ni P-Duterte ang pagkuwestiyon sa kanya ni Sen. Richard Gordon tungkol sa ginagawa niyang pag-appoint ng mga ex-general sa mga posisyon sa gobyerno.
Dahil d’yan, rumesbak si P-Duterte at sinabing kaysa raw pakialaman ni Atty. Gordon ang kanyang trabaho bilang pangulo, magpaliit na lang ng tiyan ang senador dahil ang utak daw nito ay napupunta sa kanyang tiyan, boom!
◘◘◘
MGA ‘BUWAYA’ SA PCSO, HUHUBARAN NA NG MASKARA NI P-DUTERTE—Nakatakda na raw pangalanan ni P-Duterte ang mga PCSO official na sangkot sa mga katiwalian sa ahensiya.
Naku malamang, kakaba-kaba na ang mga “buwaya” sa PCSO kasi huhubaran na sila ni P-Duterte ng maskara sa publiko, abangan!
◘◘◘
MGA EX-GENERALS NA SABIT SA SMALL TOWN LOTTERY (STL), DAPAT TALUPAN NI P-DUTERTE—Ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mga dating heneral daw ng PNP at AFP na may hawak na STL franchise ang sangkot sa katiwalian sa PCSO dahil ang legal daw na operasyon ng STL ay ginagawa ng mga ito na jueteng operations.
Kung ganu’n, dapat talupan at hubaran na rin ng maskara ng gobyernong Duterte ang mga ex-general na nagkamal ng kuwarta gamit ang tanggapan ng PCSO sa pamamagitan ng raket nilang STL, period!
◘◘◘
MAGAWA KAYA NI MAYOR ISKO NA SIBAKIN ANG BATANG-DUTERTE NA SI MPD GEN. DANAO?—Binigyan ng isang linggo ni Mayor Isko Moreno ang Manila Police District (MPD), pati ang PDEA na linisin sa iligal na droga ang Baseco Compound sa Tondo, Manila na kung hindi raw malilinis ay may “paglalagyan” ang mga ito sa kanya.
Eh, ang tanong: Kung sa loob ng isang linggo ay hindi nalinis sa iligal na droga ang Baseco, magawa naman kaya ni Mayor Isko na sibakin sa puwesto ang taga-Davao City at saradong-bata ni P-Duterte na si MPD Director Brig. Gen. Vicente Danao, Jr.? Abangan!





Comments