top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bumbero, bigyan ng baril — Digong | ‘WAG PURO SUNOG, PUMATAY DIN NG TAO

  • Mylene Alfonso
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

IKINUKONSIDERA ni Pa­ngu­long Rodrigo Du­terte na ar­masan ang mga bumbero upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa talumpati sa anni­versary celebration ng Bu­reau of Fire Protection (BFP) sa Pasay, kamakalawa, si­nabi ni Pangulong Duterte na magpapalabas siya ng mga baril para sa mga bumbero.

Pahayag ito ng pangulo kasabay ng pagpapakita ng galit dahil sa pagpatay ng mga rebelde sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Kaugnay nito, binalaan nito ang New People’s Army na hindi maaaring magpatu­loy ang mga gawain nito.

Dahil dito, sinabi pa ni Pangulong Duterte sa mga bumbero na pagkatapos pa­tayin ang tubig ay tao na­man.

“So, sabi ko sa inyo, paisyuhan ko man kayo ng baril, kayong mga bumbero. Pag­tapos ng tubig, tao na­man hanapin n’yo. Patayin ninyo ‘yung tubig, tapos tao,” giit ng pangulo.

Dapat umanong tumu­long ang mga bumbero sa pulisya at militar na mapa­natili ang kapayapaan sa lu­gar na kanilang na­sasakupan at mapatay ang mga kaaway ng estado.

“You are not limited to just fire. You have to go around and help the police and the military. You must help, and you must have killed the enemy, kasi ang enemy ninyo, papatayin talaga kayo,” dagdag pa ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page