BEERMEN KONTRA KATROPA ABANGERS NA SA FINALS
- BULGAR

- Aug 3, 2019
- 1 min read

UMIRAL ang pagiging champion team ng San Miguel Beer upang patalsikin ang Rain or Shine Elasto Painters, 98-95 kagabi sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Araneta Coliseum.
Nagtala si import Chris McCullough ng 35 points, 18 rebounds at 5 blocks upang tulungan ang Beermen na ilista ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-five semis.
Makakaharap ng San Miguel Beer ang TNT KaTropa sa best-of-seven finals. Lumaban ng sabayan ang Elasto Painters sa unang dalawang periods kaya nahawakan nila ang three-point lead 44-41 sa halftime.Pinalagan ng ROS ang ipinapakitang tikas ng Beermen sa 3rd canto kaya nanatili sa E-Painters ang bentahe, 75-72 papasok ng 4th. Naging matatag ang SMB sa endgame kaya nakuha ang matamis na panalo.
Samantala, tinapos ng TNT KaTropa ang Barangay Ginebra Gin Kings, 103-92 sa Game 4 noong Huwebes ng gabi sa Big Dome. Kumayod si Terrence Jones ng 24 points, 13 rebounds at 10 assists upang tulungan ang TNT na ilista ang 3-1 sa kanilang best of five series. Ipinaramdam ng Barangay Ginebra ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang apat na puntos na bentahe, 62-58 sa halftime. Pero uminit ang opensa ng KaTropa sa third canto kaya naagaw nila ang bandera, 86-79 papasok ng fourth. Hindi nagpabaya ang KaTropa sa payoff period kaya nakuha nila ang importanteng panalo. (ATD)





Comments