top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

10 PAMBATONG SPORTS SA SEAG, BAKIT WALA PANG ACCREDITATION?

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

NANAWAGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) sa 25 National Sports Associations (NSA’s) na madaliin na ang pagsusumite ng mga pangalan ng atletang isasabak sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30-Disyembre 11 upang maisapinalisa na ng pamahalaan ang mga kakailanganin ng mga delegado sa naturang biennial meet.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, mula sa kanilang regular meeting noong Hunyo 10, lumitaw ang iba’t ibang hinaing ng NSA’s na dinaluhan ng mga Commissioner Deputies ng Chef de Mission at mga opisyal ng PHISGOC, pero Hunyo 17 nang abisuhan nila ang NSA’s na magbigay na nang kanilang mga requirements partikular na ang walong pinakamatitinik na team na basketball, chess, ESports, football, kickboxing, polo, skateboarding at wakeboarding na pawang hindi pa nakapagsusumite para sa akreditasyon.

Inulit ng PSC ang advisory noong Hunyo 28 para sa credentials ng mga atleta maging ang final list ng team subalit, ilan lang sa NSA’s ang nakasunod, pero ang iba ay naghihintay pa raw ng final tournament basis. Noong Hulyo 4 ay inimpormahan ang NSA’s body sa 2nd consultative meeting na maaari na silang magsimula para sa pagsusukat ng gagamiting parade uniform nitong Hulyo 22 hanggang Agosto 16.

Noong Abril 22, ang kabuuang bilang ng mga atletang isinumite ng NSAs sa POC ay 1,245. “We are still in the process of taking the final numbers of the NSA’s as of August 1" at idinagdag niya na ang kumpirmado pa lamang na bilang ng accredited sports ay 17 habang 1,868 pa lamang ang bilang ng mga atleta.

Ang 8 nabanggit na sports ay wala pang naisusumiteng accreditation form habang may 53 nang sports discipline na nakapagsumite ng kanilang accreditation form. May kabuuang 35 namang mga NSA’s ang nakapagbigay na ng pangalan ng kanilang final athletes. May 10 sports pa naman ng bansa ang may tsansa sa gold medal, pero hindi pa nakapagsusumite ng final athletes’ name mula sa kabuuang 25 na wala pang naisusumite na entries na sasagupa sa SEA Games.

Habang ang 35 sports discipline ang pinal na nakapagpasa na at 14 dito ang posibleng may tsansa sa SEAG medal tulad ng wushu, ice hockey, boxing, sepak takraw at weightlifting. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page