TATLO MAGKAKASUBUKAN
- Ding Taboy
- Aug 2, 2019
- 2 min read

MAGHAHARAP ngayong gabi ang mga mananakbo sa Maiden Race, Condition Race at Group Race sa patuloy na “Additional One Win in Group Races” sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Kasabay nito, magaganap ang Winner-Take-All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa karera. Sa Race 1, unang magaganap ang Winner-Take-All (WTA) na pambungad sa mga karerista at binibigyan ng malaking panalo ang Marino ng Tanglaw at makakalaban ang Super Inday.
Sa Race 2 magsisimula ang Pick 6 at paglalabanan ng 3-Year-Old & Above Maiden Race at maglalaban ang Top Attraction, Gintong Tubig at Rhaegal. Magaganap sa Race 3 ang umpisa ng Pick 5 event at ipinapatok ang Sheer at makakalaban ang Easy To Win, Shinshiro at Shining Courage.
Sa Race 4 magsisimula ang Pick 4, nakalalamang ang Apollo Of Aquila at kalaban ang Tango Eco Kieth. Sa Race 5, nakalalamang ang Driven habang makakalaban ang Since When at ang Divine Zazu at Warrior Flame ay para sa mga dehadista. Magkakaharap ang Indelible Quaker at couple entry na Kisskissbangbang at Musikera habang ang Double Rock ay may tsamba ang panalo.
Sa bayang karerista, matutunghayan ang magandang laban sa Race 7 kung saan ipinapatok ang Super Swerte habang ang Mr. Bourbon ay makakalaban. May panalo rin ang El Mundo na sasakyan ni Jockey R.O Niu Jr.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Marino ng Tanglaw (3) Super Inday (6) Race 2- Top Attraction (6) Rhaegal (5) Race 3- Sheer (9) Easy To Win (1) Race 4- Tango Eco Kieth (6) Apollo Of Aquila (4) Race 5- Driven (6) Warrior Flame (3) Race 6- Indelible Quaker (7) Entry No.2 Race 7- Super Swerte (4) Mr. Bourbon (6) WTA- (1-7) 3/6-5/9-1/6-4/6-3/7/4-6-8/ Pick 6 (2-7) 6-5/9-1/6-4/6-3/7/4-6-8/ Pick 5 - (3-7) 9-1/6-4/6-3/7/4-6-8/ Pick 4- (4-7) 6-4/6-3/7/4-6-8





Comments