Tanod na tulak, tiklo

TIMBOG ang isang barangay tanod sa buy-bust operation ng Makati City Police, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Santaromana, environmental police.
Base sa report ni Makati City Police Chief P/Col. Rogelio Simon, palihim umanong nagtutulak ng droga ang suspek.
Kumagat sa pain ng mga pulis si Santaromana makaraang mabentahan nito ang pulis na nagpanggap na buyer.
Agad pinosasan ang suspek at nakuha mula sa pag-iingat nito ang 9 paketeng naglalaman ng shabu, tactical knife, drug paraphernalias at buy-bust money.
Matagal nang isinailalim sa surveillance operation ang nasabing tanod na kabilang umano sa drug watchlist ng Makati Police.





Comments