Pagtulong at pagbibigay-serbisyo ng PCUP, nationwide!


BINIBIGYANG-kamalayan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang mga munisipalidad sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Urban Poor Affairs Offices (UPAO) o kahalintulad na opisina upang maidulog ng mga maralita ang isyu sa komunidad.
Ang mga UPAO ay kasangkapan natin para malaman ang hinaing ng mga urban poor at maipaabot sa kinauukulan ang mga isyu na dapat maresolba.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto kong malaman kung hanggang saan ang coverage ng inyong commission? Gusto rin ng homeowners namin na maambunan ng inyong serbisyo. Maraming salamat sa inyong sagot! — Erwin
Sagot
Magandang araw din! Ang sakop o coverage ng pagtulong ng ating komisyon ay nationwide o buong bansa basta ang ating lugar ay maituturing na urban poor area.
Para sa inyong kaalaman, mayroon tayong zonal offices sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao na sumasakop sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Matatagpuan ang opisina ng Field Operations Division sa NCR at Luzon sa 9th floor ng Sunnymede IT Center sa Quezon Ave., Quezon City. Kalilipat lamang ng ating ahensiya sa nasabing address kaya ang lahat ng transaksiyon sa dating opisina ng PCUP ay dito na gaganapin. Samantala, ang Visayas naman ay nasa Cebu City at ang Mindanao ay nasa Davao City.
Kung kayo ay malayo sa field offices, huwag tayong mag-alala dahil mayroong nakatalagang area coordinators sa inyong lugar. Tayo ang mismong bababaan ng AC para matulungan kayo.
Habang sinisikap ng PCUP na magkaroon ng regional o provincial offices upang maibaba pa lalo ang serbisyo natin sa mamamayan, sa ngayon ay sinisikap nating magkaroon ng Urban Poor Affairs Office ang bawat munisipalidad. Sa pamamagitan nito, makasisiguro tayong ang hinaing ng ating sektor o inyong komunidad ay makaaabot sa atin.
Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.





Comments